ARALAING PANLIPUNAN 7 QUARTER 2

ARALAING PANLIPUNAN 7 QUARTER 2

Ang mga aralin na ito ay tungkol sa kung paano nabuo ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya at kung paano namuhay ang mga sinaunang Asyano. Saklaw nito ay ang pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at ang mga Konsepto kung Paano Nabuo ang mga Sinaunang Pamayanan.

Ito ay tungkol sa kultura ng buhay Asyano. Matututunan mo dito ang mahahalagang pangyayari sa pagkabuo ng kulturang Asyano at impluwensya nito sa karatig-pook tungo sa makabagong panaho

Ito ay tungkol sa kalagayan at bahaging ginampanan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya. Matututunan dito kung paano itinaguyod ang kanilang kultura at tradisyon na may kaugnayan sa mga kababaihan sa lipunan noong sinaunang panahon



ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 1

ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 1

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t ibang rehiyon na nagtataglay ng mga likas na yaman na bunsod ng pagkakaroon ng iba’t ibang katangiang pisikal nito. 

Kamangha-mangha ang mga lugar na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo’t higit sa kontinente ng Asya. Halimbawa na lang ang El Nido at Coron ng Palawan na nasa Pilipinas, na kamakailan lamang ay itinanghal bilang isa sa pinakamagandang pasyalan sa buong mundo, Phuket ng Thailand, at marami pang iba. Nalaman mo na ba kung gaano kalawak ang sakop na kalupaan, mga taglay nitong likas na yaman at kapal ng taong naninirahan dito? Handa ka na bang malaman ang lahat ng ito? Halina at ating alamin kung paanong ang ugnayan ng tao at ng kanyang kapaligiran ay siyang nagbigay daan sa paghubog at pag-unlad ng Kabihasnang Asyano. 

Sa yunit na ito ay iyong matutuklasan ang konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya. Handa ka na bang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, tara na, tayo ng maglakbay sa ating kontinente at ating suriin ang mga katangi-tanging bagay tungkol sa heograpiya at kultura ng mga taong naninirahan dito.