EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 QUARTER 1
Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o
9 hanggang sa kasalukuyan. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon na may
pagtataya sa mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
bilang nagdadalaga / pagbibinata.
Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at
kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa
mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.
Natutukoy ang kaugnayan sa pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa mamamayan.