
ARALING PANLIPUNAN 8
Ang kursong ito ay sumasaklaw sa paksaing “Kasaysayan ng Daigdig” na naglalayong malinang sa
mga mag-aaral ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik,
mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, at pag-unawa sa kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng
Daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.