SCIENCE-8
Rubie Salva

SCIENCE-8

    Force can be operationally defined based on observed effects. This means

that a force can be described in terms of what it does. However, forces do not

always cause motion. It does not necessarily follow that forces acting on an object will always cause it to move.

     In Grade 7, you learned displacement, velocity, and acceleration. You

conducted activities wherein you understood and made visual representations of the motion of objects such as motion graphs. The ideas were arrived at by studying examples of uniform motion or objects moving in straight line at constant speed.Then you were introduced to non-uniform motion where the object covers unequaldisplacements at equal intervals of time.


304107 FILIPINO 8
evelyn aleria

304107 FILIPINO 8

Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi.

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga magaaral. Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning),

Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.